Please wait...
HomeForumPosts by wildcards

Jump to
ySense Customer Care CornerySense Knowledge CenterMembers LoungeYour StatsSuccess StoriesPayment ProofsMember IntroductionGeneral TalkForo en EspañolCharla GeneralSoporte General y PagosInternationalPortugueseItalianFrenchGermanHindiUrduFilipinoIndonesianArabicRomanianTurkishRussianBulgarianHungarianPolishEx-Yugoslavia
Posts by wildcards

Drink ,YOU MUST HAVE, daily » Post #11

Sat Jan 30, 2016 18:56 in General Talk

my black home brewed coffee... :)

Question » Post #2

Sat Jan 30, 2016 18:00 in Filipino

Jayson1993 wrote: Pag na expelled ka ba sa isang task di mo na ba matataask un ..

Hindi na sa 'Job ID' na yun...

How often do most people cashout » Post #15

Fri Jan 29, 2016 19:56 in General Talk

Before, once or twice a month depending on my $$$ goal for that a particular time frame. But with the new payment scheme, I settled for a $100 minimum or thereabouts goal per withdrawal... Haven't withdrawan a dime yet this year, so I'll just see how things will go when I make my first withdrawal on Monday (Feb 1)...

Pending Payment » Post #52

Thu Jan 28, 2016 08:36 in Filipino

mitchhy2002 wrote: naka reminiscing hehe :thumbup: @angmensahero

TJ grill ;) sa Kamagong!! ;) nakakamiss yung ganyan after work gala mode lalo na kung friday! parang nag aantay lang rin ng sahod dito sa Clixsense hehehe

Tumpak at wala ng iba! :thumbup: Nagugutom at nauuhaw tuloy ako! :lol:

Pending Payment » Post #50

Thu Jan 28, 2016 06:51 in Filipino

oberder wrote:

Mmmmmm... pasimple ka pa naman, bossing angmensahero -- bili ka na ng chocolates at ( chicharon ) bulaklak, bilis :mrgreen:

hahaha... naalala ko tuloy yung unang akyat ligaw... napakapusok... barakong-barako... pero medyo nahihiya... akalain mo inilagay pa sa backpack yung bulaklak para walang makakita... those were the days... at napa-oo naman! ;) kumusta na kaya siya ngayon? :mrgreen:

oberder... pre, yung chicharon bulaklak...malutong-na-malutong... sabayan kaya natin ng kunting malamig na beer... ho!!!!

byernes bukas... at payday pa! napa-isip tuloy... sa tj grill na naman kaya ang punta? abangan! :lol:

Pending Payment » Post #48

Wed Jan 27, 2016 23:55 in Filipino

Roujette wrote:
mint25 wrote: Ang hirap abangan ng sweldo ngayon hehe.

Hinde maisabay sa byahe ng ibang funds.

Tama ka jan sir, parang pag-ibig lng...inaasahan mo pero di mo alam kng kelan darating. hihihi :lol:


Mukhang inspirado si ma'am roujette ngayon ah!

O, pag-ibig na makapangyarihan! Pagpasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang! :lol:

Palapit na nga VDay! Wala lang....... :mrgreen:

Question sa mga EON card users. » Post #17

Mon Jan 25, 2016 15:53 in Filipino

Dati rati pala itong EON yung pinaka-madaling kunin na debit card. Kasi nung una akong kumuha nito, 'online application' lang ang ginawa ko. Tapos pagpunta ko sa sangay na pinili ko, hiningi lang sa akin yung numerong pangtukoy, tapos nagsulat ng kunti sa isang porma at nagbigay ng muwestra ng pirma. Tapos para sa pagpapakilala ginamit ko yung lisensya ko sa pagmamaneho at pasaporte kasi kakatanggap ko lang din sa araw na yun yung bago kong pasaporte. Pagkatapos bayaran yung mga bayarin ayos na agad. Pero magtatanghali na kasi nun kaya sabi nung magandang empleyada, sir pwede balikan mo na lang mamaya yung card. Sabi ko walang problema ma'am gwaps, sabay ngiti (parang nakakita agad ng opotunidad ng "my name is Bond, James Bond" moment yung mama) :mrgreen: Tapos sabi ko... mga after lunch kaya? o anong oras kaya sa tantya mo ako babalik rito, ma'am gwaps. Sabi n'ya tawagan o i-txt na lang kita sir, may number ka naman dito. kaya ayon tapos agad, same day lang... aplikasyon at pagkuha card... at may bonus pa na ma'am gwaps! :lol:

Gusto ko lang Ibahagi--$64.25 in 1 day! » Post #13

Mon Jan 25, 2016 14:18 in Filipino

Congrats droid! Pati na rin sa 'yo roujette! sana babalik uli yung mga mamahaling task. nun kasi napakarami ng mga ganung uri task na umaabot sa mahigit isang libo yung max limit. ngayon, pasulpot-sulpot na lang.

o congrat's din pala sa 'yo mitchhy... para sa panaginip mo! sana ako rin! :lol:

Question sa mga EON card users. » Post #7

Thu Jan 21, 2016 00:42 in Filipino

zykezzz wrote: Hello guys, Tanong ko lng sa mga unionbank eon card users kung naa access nyo ung Online banking nyo kc hanggang ngyon di ko pa rin ma access ung Online banking registration nila para man lng ma verify ko na ung paypal ko. Lagi na lng temporary unavailable. Last week ko pa nakuha ung Eon Card ko. Marami salamat. Happy tasking.

Tiningnan ko at ok naman. Nakakapasok naman ako sa EON account ko. So yung EON Cycberaccount registration lang ang may problema. Try mo tawagan yung customer service (Customer Service: 84-186 or (02)841-8600 / Domestic Toll Free: 1800-1888-2277) at alamin kung ano ang problema o ano dapat mong gawin para makapasok ka online.

Masaganang Bagong Taon » Post #1

Fri Jan 01, 2016 14:07 in Filipino

Masaganang Bagong Taon sa Lahat na mga Pinoy sa Buong Mundo!
Sana'y tiba-tiba tayo sa taong ito!

Kung mawala ang Sponsor n'yo sa taong ito, ako'y isipin n'yo.
At kung masipag kayo, maghating kapatid tayo!
50/50 sa komisyon, sagot ko pa ang paypal fee nito!
Hindi ako politiko, pero yan ang pangako ko!

Bow! :lol:

Happy New Year » Post #32

Fri Jan 01, 2016 13:53 in General Talk

Happy New Year to all as well. May this year give us more Surveys/Offers and higher paying Tasks to do! :$

Level 3 na ako.. Happy me :) » Post #80

Mon Dec 21, 2015 19:46 in Filipino

Congrats at Merry Xmas din!!! :thumbup:

Answer Multiple (2) Surveys at the same time » Post #9

Mon Dec 21, 2015 17:03 in Filipino

mitchhy2002 wrote: medjo kabanas nga yung survey ko lately eh.. puro redirect yung CINT ko ... pero tapos ko namn lahat ng survey (yung screenshot ko ng confirmations (nakalagay na redirect at may error daw sa pagsagot ko) hindi ko na hinabol kahit na meron ako mga screenshot lahat..

matumal ang survey ko now sa task ako bumabawi ;) haha pano yung survey ko mostly sa umaga tapos ang task ko namn sa madaling araw haha nawili sa task kaya hindi na nakakapag survey :(

Ikutan lang ng kunti ang stilo dyan ma'am mitchhy. Ang ginagawa ko kapag may sapat na oras yung task at may survey din eh sinasabay kong tirahin yung dalawa. Kadalasan nga nag RF tasking pa ako dun CF Elite. :lol:

Congrats Ms.Philippines » Post #10

Mon Dec 21, 2015 16:57 in Filipino

mitchhy2002 wrote: I feel sorry nga kay Ms. columbia eh.. :( awkward moment ... pero ganun talga ang buhay kung kanino dapat ang korona dapat sa kanya lang.. ;) kaya para kay Ms. Philippines talga ang korona.. :)

Oo maganda sa CDO nakapunta na ako roon ng whitewater rafting kami "the best"


Ok talaga yung whitewater rafting dun! Dun ko palagi dinadala yung mga kaibigan/kapamilya ko mula labas kapag andun kami sa CDO (may bahay kasi kami dun), tapos nature trekking naman dun sa Macahambus Gorge at kahit na dun sa Eco-tourism village ng Malasag. Tapos kainan dito, kainan dun. :lol: At labas ng kunti papuntang Bukidnon... dun naman sa Dahilayan Adventure Park na may tinatawag na Asia's longest dual zipline. Andaming pagkakaabalahan talaga dun... kaya ubos ang pera ng mamâ sa kakaikot! :lol:

Congrats Ms.Philippines » Post #3

Sun Dec 20, 2015 21:03 in Filipino

mitchhy2002 wrote:
merathon wrote: :D :D :D :D :D

congratulations Pinas :) kahit medjo epic failed yung naganap still Mabuhay :)

Mabuhay! Oi, taga-amin yun... 2nd hometown ko kasi yung CDO... ;)

Pero walang hiyang pagkakamali talaga! Naawa ako tuloy ni Ms. Colombia! Eh kaway ng kaway na yung ale para bang nasa langit na, tapos ganun na lang... korona na, nawala pa! Kaawa-awa talaga... gusto ko sana yakapin... pero tv screen lang ang aking napala... hahahaha

Answer Multiple (2) Surveys at the same time » Post #7

Sun Dec 20, 2015 18:36 in Filipino

Hash147 wrote: experience ko sa survey.

madalas din ako nai screen out. madalas pag tinatanong ang income dun ako naa out. baka mababa masyado ang income ko. hehehe...

pero ganyan talaga sa survey. hindi talaga lahat naqua qualify. kaya wag mabwisit pag naa out.

ang nakaka bwisit yung 90%+ ka na tas sasabihin quta na.hehehe

tumpak ka d'yan kabayan! may araw na siniswerte tayo at may araw ring minamalas. maraming beses nun ang palagi kong nakukuha ay iyong naghahanap ng mga taong may anak... yung mga under 18 pa.. minsan sanggol pa nga. sabi ko... di ba pwede isip bata na lang? hahaha

pero ang pinaka-malas sa lahat na naranasan ko ay yung mga pagkakataon na nasa dulo na ako... huling katanungan na nga sa isang kaso at tapos bigla na lang sasabihin na na naabot na nila yung kota nila sa survey. buti na lang hindi ako si si mayor d at baka napapa-f$c*sh*t ako ng todo sabay bunot ng... hahaha

medyo maganda yung nakalipas na linggo kasi binaha ako nung mga survey patungkol sa mga bagay-bagay, kita at pera, mga bangko, atbp... 5 days in a row nga... kaya ayon kumita ng total $6.79 sa survey...

susi talaga dito ay pasensya, sikap at tiyaga... kahit na medyo tagilid na yung bayaran dito ngayon...

Survey » Post #18

Fri Dec 04, 2015 19:09 in Filipino

angmensahero wrote: ...Di ko pala tipo yung bagong patakaran sa bayaran dito sa CS. Buti na lang mahigit-kumulang $102 na lang natira sa kita ko dito at ayon katatapos ko lang pinindot ang 'cashout'! Sa susunod na linggo pa yun maging pera. Pero sige lang basta nailabas ko na....

Ako'y bayad na! :$ :thumbup:

Pumasok sa aking PP kaninang maaling araw (Dec. 5, 2:15AM Manila Time). Gabi ng Myerkules ako nag 'cashout' kaya medyo bumubuti ng kunti yung 'timeframe' ng bayaran. Akala ko isang buong linggo rin ang bibilangin ko... buti na lang siniwerte ng kunti! ;)

Merry Xmas to me! Hohohoho! :lol:

Survey » Post #16

Wed Dec 02, 2015 18:38 in Filipino

Giobucks wrote:

bakit ano bang nangyayari na dito sa clixsense?


Nagbago lang yung patakaran nila sa bayaran. Ngayon di na natin malalaman ko kailan darating sa mga PP natin ang kita natin dito. Nasa "hulahan" na estado kung baga yung tipo ng bayaran. Itanong mo kay ma'am Roujette! Nung isang linggo pa yan kahihintay ng "payout" n'ya! Kahit anung araw nga tayo pwede mag "cashout" sa bagong patakaran, pero walang katiyakan naman kong anong araw darating sa PP natin.

Kung ok lang sa karamihan yung bagong patakaran, walang problema para sa CS. Pero kapag di makasabay yung karamihan, eh baka maraming maglilipat bahay muna sa tasking at medyo baba rin ang moral ng mga parokyano nila. Basta pera at bayaran ang pag-uusapan, hindi uubra yung di hayag at masyadong mabagal na proseso. Tulad rin yan sa trapik, kapag maayos yung daloy mapangiti hanggang tainga tayo. Kapag usad pagong o walang galawan tulad sa EDSA, eh makapagmura ka ng tuluyan ala Duterte... Sorry boss Digong, ako'y taga-Mindanao din! I'm behave o... :mrgreen: :lol:

Survey » Post #12

Wed Dec 02, 2015 05:59 in Filipino

Roujette wrote:
angmensahero wrote: Kakaiba ang mokong yun kasi para akong web tester ng RQA na pinatitingnan yung pagka user-friendly ng isang Swedish na online shopping site tapos tinira ako ng mga katanungan. Ok lang naman kasi maiksi lang ang survey kumpara sa isang Your-Survey na natapos ko kaninang umaga habang nagkakape na mukhang isang oras yata ang haba! Daig pa ang isang job interview!

Nung nakita ko ung 64 minues ang length ng survey...sabi ko AJA! Pero somewhere in the middle sabi ko, wag nalang! hahaha! Kinancel ko talaga...nakakapatay ng oras. :(

Hindi worth it. :roll:


Ang haba talaga, ma'am roujette! Eh ako naman papitiks-pitiks lang. Sabi naman sa survey na pwede magpahinga. Kaya ayon sinabay ko sa kape at mga tinira kong mga gawain sa CF. :lol:

Di ko pala tipo yung bagong patakaran sa bayaran dito sa CS. Buti na lang mahigit-kumulang $102 na lang natira sa kita ko dito at ayon katatapos ko lang pinindot ang 'cashout'! Sa susunod na linggo pa yun maging pera. Pero sige lang basta nailabas ko na. Ang plano ko... offers/surveys at yung daily checklist na lang muna ang titirahin ko dito. Tapos yung pinakamalaki na bulto ng mga gawain sa CF ay dun na lang muna sa sariling site nila (CFE) ko titirahin. Buti dun walang kaltas at klaro yung oras sa bayaran. Hindi baba sa $4 kada araw ang kita ko dun mula sa RF task lang. Eh kung isabay ko yung iba pang gawain na dito ko tinitira eh sigurado mas lalaki pa yung kita dun kasi buo yung bayad. Di ko pa rin iiwan ang CS. Sayang naman ang mga bonus dito di ba? Siguro $1 to $2 max a day pwede na!

Survey » Post #9

Mon Nov 30, 2015 18:24 in Filipino

mitchhy2002 wrote:

UU nga @roujette natuwa ako sa 3$ na survey kaya pinag-igihan ko talga. Yun lang pending parin sxa until now :thumbup: sana bayaran hehe

Sa survey ako talga maswerte (yun ang marami dito) sa task namn ok lang kaya lang i'll make sure na alam ko yung sa task bago ko talga gawin baka kasi matangal badge ko haha


Tama si ma'am roujette, ma'am mitchhy! Babayaran ka rin n'yan! Nung Nov 2014 nakakuha din ako ng survey na $3.73 ang bayad. Kakaiba ang mokong yun kasi para akong web tester ng RQA na pinatitingnan yung pagka user-friendly ng isang Swedish na online shopping site tapos tinira ako ng mga katanungan. Ok lang naman kasi maiksi lang ang survey kumpara sa isang Your-Survey na natapos ko kaninang umaga habang nagkakape na mukhang isang oras yata ang haba! Daig pa ang isang job interview!
From: Go
Return to the forums index
All times displayed are PST - Server Time: Dec 5, 2023 13:43:46 PST