ptcseeker wrote:
Pumapangit ang service ng Eon, imbes na mag grow sila. Nakakadismaya ang log-in system nila madalas. at itong last upgrade nila wala ng account transaction number.
Maliban sa mga sablay nila sa pagpapanatili ng kanilang presensya online (e.g. cyber account access downtime, new registration issues, etc.), ok pa rin sa akin yung EON.
Patungkol naman sa mga numero ng mga transaksiyon, meron pa rin naman. Di n'yo lang ito makikita kaagad pag-login n'yo kasi yung lalabas ay yung pahina ng 'My Accounts'. Sa ibaba nito ay makikita natin ang talaan ng 'Account Summary List' at dun walang tudling para sa mga numero ng mga transaksiyon. Pero kung mapapansin n'yo sa kaliwa ng pahina ay merong kwadro kung saan makikita natin ang 'Accounts', 'EON Accounts' at 'Account Summary'. Ang gagawin n'yo lang ay piliin at pindutin ang 'EON Accounts'. Tapos, paglabas ng pahina ng 'My EON Accounts' dun mo makikita yung talaan ng 'EON Accounts List' kung saan meron ng hanay o tudling para sa 'Customer ID'. Sa tudling na yun, piliin n'yo ang 'View Transaction History'. Paglabas naman ng pahina ng 'View Transaction History', dun mo makikita ang porma para maghanap ng listahan ng mga transaksiyon, punuin n'yo lang ng mga naaangkop na datos at pindutin yung buton para sa 'Search' sa kanang ibaba ng pahina. Pagkatapos n'yan, lalabas yung resulta at dun n'yo na makikita ang isang talaan ng mga transaksiyon kung saan meron ng hanay o tudling para sa mga numero ng transaksiyon.
