Please wait...
HomeForumPosts by wildcards

Jump to
ySense Customer Care CornerySense Knowledge CenterMembers LoungeYour StatsSuccess StoriesPayment ProofsMember IntroductionGeneral TalkForo en EspañolCharla GeneralSoporte General y PagosInternationalPortugueseItalianFrenchGermanHindiUrduFilipinoIndonesianArabicRomanianTurkishRussianBulgarianHungarianPolishEx-Yugoslavia
Posts by wildcards

Payoneer cashout » Post #5

Tue Jul 25, 2017 21:44 in Filipino

sisangbaliw wrote: sir may minimum withdrawal ba s payoneer para ma transfer sa bank account?

Oo, $50 yung minimum...

i cant expect » Post #3

Tue Jul 25, 2017 09:23 in Filipino

Celestial_Maiden_08 wrote: Dnt give up! Kakasimula pa lng ng pagbabago sa Clixsense. Wait lng tayo! ;-) Di sa lahat ng pagkakataon ay puno ng bituin ang langit :-)

Tama! Ang mga pagbabago ay may kaakibat talagang yugto ng pag-alinlangan. Lalo na ang karamihan sa atin ay nasanay na sa PTC ng napakatagal. Bigyan natin muna siguro ng konting panahon ang may-ari upang maisakatuparan niya ng buong-buo yung kanyang mga ninanais para sa CS, Malay natin may mga bagong pagkakakitaan pa siyang nilalakad.

Payoneer to BDO Question » Post #7

Mon Jul 24, 2017 17:28 in Filipino

v2homemom wrote: Ano po ibig ninyong sabihin? Kailangan $100 icashout from Clixsense para may $25 pa from Payoneer o Clixsense? Di ko po maintindihan?

Hindi lang Clixsense kasi kung ginagamit mo rin ang Payoneer para tumanggap ng bayad sa ibang kapartner nila na negosyo o site ay kasama yun sa kwenta. Kaya yung $100 ay masasabi nating kabuuan na kita na ipanasok mo dun sa account mo galing dito sa Clixsense at sa ibang kapartner ng Payoneer. Kunyari kumita ka dito ng $50 at $50 din sa ibang site na gumagamit ng Payoneer tulad ng Fiverr. Tapos, nag-cashout ka at pumasok na sa Payoneer account mo yung dalawa eh di may kabuuang $100 ka na. Makakatanggap ka na ngayon ng $25 bonus kasi naabot mo na yung minimum na $100 requirement para makatanggap nito. Ang kondisyon lang talaga ay maabot mo lang yung $100 bilang kabuuang bayad mula sa mga kapartner ng Payoneer sa loob ng isang taon mula ng magpa-rehistro ka gamit ang link ng isang qualified Payoneer referrer ay may bonus kang $25.

Kung dito ka lang gumagamit ng Payoneer sa Clixsense ay pwede rin. Kunwari nag-cashout ka ngayon ng $15, tapos sa susunod $15, sa susunod $20, sa susunod $25, sa susunod $15 at sa katapusan $25, eh may mahigit $100 ka na ngayon kaya tatanggap ka ng bonus. Siguruhin mo lang talaga na makuha mo yung $100 sa loob ng isang taon mula ng magpa-rehistro ka sa Payoneer gamit ang link ng isang qualified Payoneer referrer. Pwede rin isang bagsakan lang tulad ko. Nag-cashout ako dito ng mahigit $100 at yun tanggap ko agad ang bonus. May isa akong referral mula sa isang freelancing site na gumagamit din ng Payoneer at malapit na siyang magka-cashout ng mahigit sa required na $100 kaya kikita din siya ng ekstrang $25 at ako $25 din bilang referrer niya. Ganun lang yun,

Andto ang kabuuang Terms

Update: Kung ako tatanungin n'yo, mas mabuti mag-ipon kayo hanggang $102 pataas kasi fixed yung $2 na cashout fee. Malaki ang mawala sa kita n'yo kapag mas mababa sa $102 yung cashout n'yo.

Tasks » Post #3

Sun Jul 23, 2017 22:05 in Filipino

Pero sa tingin ko, dahil kasi naubos ko na yung iba. May kabuuang 63 entries ang Dashboard ko, pero karamihan sa medyo ok ang bayad na trabaho ko na. Kaya karamihan sa natira ay yung di ko ginagalaw.... yung mga tig-0.01 :lol:

Tasks » Post #2

Sun Jul 23, 2017 21:58 in Filipino

forfangirluse wrote: Ako lang ba o wala masyadong tasks? Level 3 ako pero 20 lang tasks na available sakin puro pa tig-0.01 at yung mahihirap na tasks :(

Ganun din sa akin. 19 nga na lang ngayon ang natira!

Ayos si Payoneer, totoo pala $25. » Post #25

Thu Jul 20, 2017 21:52 in Filipino

Tama ka, mint! Ayos si Payoneer... kaninang umaga ko lang natanggap!

Payoneer Payment - Completed Within 8 Hours! » Post #1

Wed Jul 19, 2017 18:42 in Payment Proofs

After Paypal was removed, I have been using Payza for all my under $70 cashouts. Now, opted to use Payoneer to test it for my over $100 cashout. Submitted my cashout request July 19, past 4AM Eastern and wow...the transaction was completed July 19, past 12PM Eastern. That's more or less within 8 hours. Thanks Jim! :thumbup:

Payoneer cashout » Post #3

Wed Jul 19, 2017 17:01 in Filipino

mint25 wrote:
forfangirluse wrote: Usually ilang araw po ang cashout from clixsense to payoneer? Nagcashout po ako sa payoneer nung July 3 hanggang ngayon wala pa rin po kasi. Nag-send na ko ng ticket pero wala pa ring reply. Hhuhu,

Abang ka po bukas ng umaga , tignin ko meron na yan. :)


Hindi ko alam kung ganito na ba ang bagong CS kasi nun kadalasan sa loob lang 3 araw bago ko matanggap yung kita ko papuntang Payza na puro under $70 na cashout ko. Ngayon, gaya ng plano ko, sa Payoneer naman ako pumunta para sa over $100 na cashout. Mga 4PM kahapon ako nag-cashout at dumating yung pera kaninang 12AM. Kaya mga 8 oras lang tanggap ko na. Sana ganyan palagi! :thumbup:

wala ako ads to click/ wala din clixgrid » Post #6

Tue Jul 18, 2017 22:18 in Filipino

jemanjie wrote: bkit po tinanggal ang ads

Ito ang dahilan:

Moving Forward with Change

Update to Changes - July 2nd

CLIXSENSE new look! » Post #16

Tue Jul 18, 2017 20:06 in Filipino

mint25 wrote: pinatay na po mga pusa, nasa announcement :D


hindi ang mga pusa ang pinatay. yung ads lang. ang mga pusa ibinenta pambayad sa premium upgrade refund. :lol:

CLIXSENSE new look! » Post #12

Tue Jul 18, 2017 10:40 in Filipino

DROIDSense wrote: akala ko naka task bonus na ako may nadagdag sa balance ko.. galing pala yung sa reversal ng membership

Ako rin! Nadagdagan yung balance ko.

mclloyd86 wrote: Same $13 lang binalik sakin hehe

Sa akin mahigit $10 na lang kasi Marso pa ako nag-renew ng upgrade ko.

Most viable payment processor for us Pinoys » Post #25

Sun Jul 16, 2017 20:27 in Filipino

forfangirluse wrote:
wildcards wrote: 1st option:

Payza (bitcoin) to Coins.ph (peso) to EON Savings Account - I also retain sufficient funds here in Coins.ph purposely for e-loading people in which whatever fees I paid from CS to Payza to Coins.ph gets recovered with some profits in tow! ;) :thumbup:

2nd option:

Payoneer to EON Savings Account - I will be using this in the coming weeks for bigger cashouts ($100 and above). Targeting the $25 bonus offered by Payoneer's Refer-A-Friend program. Getting offers on this one to sign up under them in exchange for them giving me back between $5 to $10 of what they received as bonus ($25) for referring me to Payoneer. Haven't decided yet who to pick, but how nice! :$ :thumbup:

Ano po yung EON account? Tsaka pwede po ba na sa BDO bank account ko iwithdraw? Malaki po ba kaltas dun?

Sa Union Bank po yun, ma'am. Bali savings account yun na walang maintaining balance at may debit card. Yun kasi palagi ginagamit ko sa mga kita ko mula sa mga payment processor tulad ng Paypal. Gagamitin ko rin yun sa Payoneer kasi mas ok kasi yung palitan dun at mabilis din daw tulad ng Paypal. Yung $2 na withdrawal fee dito sa Payoneer ay ok rin kasi flat rate yun so advantageous yun sa mga cashouts na mahigit $100. Tungkol naman sa BDO mo, oo pwede din yun. Tingnan no yung sagot ni abs1231.

helo po mga kabayan(minimum cash out) » Post #2

Tue Jul 11, 2017 05:30 in Filipino

rudel777 wrote: helo po mga kabayan baguhan lang po ako dito tanung ko lang if magkanu po ba minimum na pwede po i cash out ng standard member po. thanks in advance sa mga sasagot

Andito yung buong listahan, kabayan: Cashout

Hello from Canada » Post #6

Tue Jul 11, 2017 01:16 in Member Introduction

welcome to the community... and may you get your big cash stacks! :$

SKRILL to GCASH cashout Info » Post #58

Mon Jul 10, 2017 20:04 in Filipino

DROIDSense wrote: may charge ba kapag magsend ng funds to other skrill account?

1.9% yung fee sa Skrill to Skrill tranfer.

Most viable payment processor for us Pinoys » Post #19

Mon Jul 10, 2017 06:08 in Filipino

hjf040790 wrote: @wildcards

Karamihan sa reviews na nakikita ko e galing sa mga banyaga. Pero kung swak ito sa ating mga pinoy (especially sakin na ang gusto ko ay rekta sa bank account), baka eto pipiliin ko hehe. Maghahanap pa ko siguro ng karagdagang reviews before ko ito i-finalize.

@Daze26

I-review mo ulit yung verification mo, baka may na-miss ka.

OT: Mas mahirap na ba daw ngayon yung verification ng Payza kumpara sa dati?


Katulad din sa mga nababasa ko. Wala namang bago dun sa tingin ko kasi kahit ibang mga processor ay tinitira din ng iba na medyo di rin kagandahan yung karanasan nila.

Tungkol naman sa berepekasyon sa Payza, sa tingin ko hindi naman nagbabago. Pero dati merong tinatawag na Starter account, Personal Pro at Business account. Ngayon, Personal at Business account na lang. Yung account ko nun na tinatawag pang Alertpay yung Payza ay Personal Pro. Ang proseso ng berepekasyon na dinaanan ko ay katulad din sa Paypal account ko gamit ang credit card ko. Kung hindi ako nagkakamali $1 ata yung kinuha nila at ibinalik naman dun sa account ko. Yun lang at hanggan ngayon ni isang beses hindi pa ako nakaranas ng aberya sa kanila.

Most viable payment processor for us Pinoys » Post #17

Sun Jul 09, 2017 22:41 in Filipino

Daze26 wrote: Gusto ko gawin yung Payza to Coins.ph kaso hindi ako makaregister sa Payza. Nagpapaverify siya ng email pero wala namang pumapasok na verification email sa registered email ko, maski sa spam. :(

Baka may mali dun sa naipasok mong email address kaya hindi mo natanggap. Subukan mo na lang uli magparehistro

Hello there. I'm a new user » Post #2

Sun Jul 09, 2017 14:09 in Member Introduction

minasoldano wrote: I just want to say hi to all. I'm new to this site and I'm new to the PTC world. I like very much this site, especially tasks. So far I'm not too good but I hope to improve my skills. Good $$ to everyone.

Welcome to Clixsense, minasoldanio! It's good to know that you like this site, especially tasks. Just keep on doing it because it's a good source of extra $$$. Be careful though that you do not get expelled too often because it will bring down your accuracy rate.

Most viable payment processor for us Pinoys » Post #13

Sat Jul 08, 2017 14:07 in Filipino

hjf040790 wrote: Yehey thank you sa mga nag-post ng tips. At least may guide na ko. :D

Ako gusto ko sana mag register sa Payoneer, kaso marami akong nababasang reviews na hindi maganda tungkol sa kanila. Totoo ba ito or paninira lang? At EON lang ba yung pwedeng pag withdrawhan ng pera sa Payoneer? Hindi ba ito pwede sa ibang bangko?


Sa mga nakakausap ko, ok naman daw yung Payoneer. Syempre nakakabasa din ako tulad mo ng mga negatibong komento online. Pero ganyan naman talaga sa totoong buhay. May mga bagay na ok kay Juan pero masama naman para kay Pedro at vice versa, depende yan sa uri ng karanasan na meron sila.

Sa akin ang basehan ko palagi sa pagamit ng mga payment processor ay naka-angkla dun sa kung ano ang nais kung makamit sa bawat withdrawal ko. Sa tantya ko, mas maganda ang Payoneer sa malakihang cashout ($100 pataas) kasi nakapako yung fee sa $2 at mas ok daw yung palitan mula USD to Peso kumpara sa Paypal. Mabilis din daw yung mga transaction at may one-time refer-a-friend bonus na $25 lang naman. Masusubukan ko yan sa darating na mga linggo kasi yun ang target kong gamitin munang withdrawal method dito. Hinihintay ko lang umabot ng mahigit $100 yung balanse ko dito at konti na lang maaabot ko na yan. Naghahanap pa ako ng mapakatiwalaang referrer kasi karamihan sa nag-offer ng $5, $8, at $10 cash back sa $25 refer-a-friend program ng Payoneer eh di Pinoy at hindi dito sa Clixsense. Eh baka tatakbo lang sayang naman yung cash back. :lol: Pero gusto ko sana Pinoy naman kasi ang palagi ko ka deal online ay mga banyaga. Mas ok kung galing din dito sa Clixsense para mas madaling kausap at tayo-tayo ding mga Pinoy ang nakikinabang sa one-time bonus na yan.

Most viable payment processor for us Pinoys » Post #10

Sat Jul 08, 2017 05:29 in Filipino

rayhunter wrote: @wildcards

Pano po ung payza to bitcoin ?
Magkano po ang rate clixsense to payza, ilang days bago makuha ung pera.
Thanks

Madali lang! Sa Payza account mo, i-click mo yung “Withdraw Funds” icon at piliin mo “Bitcoin”. Tapos, piliin mo yung currency na gusto mo palitan. Ipasok mo yung coins.ph Bitcoin wallet address mo at yung amount na gusto mong i-withdraw (minimum of $20). I-click mo “Next” at ipasok yung Payza Transaction PIN mo. Tapos, i-click mo yung “Withdraw”. Maghintay ka lang ng 3 to 5 business days at darating na sa Coins.ph Bitcoin wallet mo yung Bitcoins mo. Pagkatapos n'yan pwede mo na rin papalitan sa Peso at i-withdraw mo naman sa Bank Account mo o ATM cardless instant payout, o sa Pera Padala o sa iba pang mga withdrawal option sa Coins,ph.

Sa akin, nag-iipon ako ng Bitcoin kaya maliit lang na pursyento ang pinapalitan ko ng Peso. At yung pinapalitan ko naman hindi ko wini-withdraw lahat kasi ginagamit ko yung iba para sa e-loading. Yang eloading na yan at yung pagtaas ng palitan ng Bitcoin ay siyang bumubura sa mga fees na binayad ko mula sa pag-withdraw dito sa CS hanggang sa pagpapalit ng USD to Bitcoin sa Payza. Mukhang ang Coins.ph pa nga yung nagbabayad sa akin sa pagamit ko ng kanilang serbisyo imbes na ako yung nagbabayad sa kanila,

Ang masasabi ko lang para sa iyo at sa lahat na rin na gustong subukan ang option na ito ay bantayan n'yo ang palitan ng Bitcoin palagi bago kayo mag-withdraw sa Payza o magpapalit sa Peso sa Coins,ph. Nagbabago kasi ito sa buong araw. Kung nakikita n'yong mas bumababa yung halaga ng Bitcoin kontra sa USD, tira agad sa withdrawal sa Payza. At kung mataas naman yung palitan ng Bitcoin sa Peso kumpara sa pagpalit mo ng Payza USD sa Bitcoin, tira ka rin sa palitan sa Coins.ph. Tantyahan talaga ang laro kasi tumataas at bumababa ang halaga ng Bitcoin.

Tungkol naman sa paglipat ng kita mo dito sa CS patungong Payza, 3 to 5 business days pa rin naman yung sa akin.Ang cashout option na Payza to Coins.ph ay 3 to 5 business days din yung sa akin. Wala akong aberya sa Payza kasi matagal na akong verified account holder dun. Alertpay pa lang yan nun verified na ako. Sa totoo lang, hindi talaga para sa lahat yung cashout option na ito. Unang-una, hindi ito para sa mga taong nangangailangan ng pera agad. Pangalawa, dapat medyo planado rin kung ano talaga ang nais mong marating sa pagpapalit mo ng Bitcoin at kung paano mo magagamit yung Coins.ph para mas lalo kang kumita mula sa kita mo online. At panghuli, dahil sa pataas-pababa ang palitan ng Bitcoin pwede kang sumablay kung medyo gipit ka at gusto mo ng mabilisang cash. Gaya ng sabi ko, tantyahan ang laro kaya dapat may stratehiya ka ring ginagamit sa option na to.
From: Go
Return to the forums index
All times displayed are PST - Server Time: Dec 5, 2023 14:22:43 PST