Please wait...
HomeForumPosts by wildcards

Jump to
ySense Customer Care CornerySense Knowledge CenterMembers LoungeYour StatsSuccess StoriesPayment ProofsMember IntroductionGeneral TalkForo en EspañolCharla GeneralSoporte General y PagosInternationalPortugueseItalianFrenchGermanHindiUrduFilipinoIndonesianArabicRomanianTurkishRussianBulgarianHungarianPolishEx-Yugoslavia
Posts by wildcards

Sino ang taga Manila dito? » Post #36

Thu Apr 09, 2015 10:43 in Filipino

Roujette wrote:
abetlegaspi wrote: Sarap naman kainan hindi rin po ako pwede eh kasi, ipaglalaba ko pa po ang aking misis mag hintay sia lamang at ako'y dadating pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso lahat ay gagawin.

Mukhang ibang usapan papunta kay sir abetlegaspi...hihihi :)

Oo nga! At walang hiyang pag-ibig! Hahamakin ang lahat para si kumander huwag magalit! :clap:

Naalala ko tuloy kaibigan ko. Ginalit si misis. Sinarhan ng gate. Lahat na yata na pagsusumamo ginawa. Honey, sweetie, honey blah blah please! Alang swerteng bata, di umubra at nag-ala akyat bahay na lang tuloy. :lol:

Alam n'yo ba anong nangyare pagkatapos nun? Kahit anong tukso naming gumimik. Panay iwas ng mga ilang linggo. Sabi...Good boy na daw muna siya! :mrgreen:

Kaya... oberder...abetlegaspi... naintidihan ko kayo mga bro! :lol:

At si ma'am Roujette... may ideya na tuloy para kay BF kung saka-sakali! :lol:

Sino nga uli taga-Manila dito? Malapit na kaarawan ko. Gimik kaya tayo? Pssst...sa mga may Gabriela Silang na misis, hingi muna kayo ng pass. Yung permado ha! :lol:

Sino ang taga Manila dito? » Post #35

Thu Apr 09, 2015 09:59 in Filipino

oberder wrote:

:lol: Takot ako pag nasa labas ako ng kulambo na mag-isa -- gusto ko may kayakap bawat gabi :mrgreen:

Alang problema! Kulambo lang eh. Lakasan kunti yung aircon. Tapos pag-medyo lumamig na, magtulogtulogan ka...gulong ng kunti para makadikit at yun pasimpleng yakapin si kumander! :mrgreen:

Time on target lang yan! :lol:

Daming Task » Post #39

Thu Apr 09, 2015 09:38 in Filipino

mclloyd86 wrote:
aldayne wrote:
mclloyd86 wrote: Puro task completed. Anyare???

wow galing ...
ano na mga natapos mong task pare ? :)

Halos lahat sa list . ung iba expelled ako

At yan ang kasagutan sa tanong mo! :lol:

Inubos mo na kasi! Yanyare! :lol:

Deduction on payment » Post #23

Wed Apr 08, 2015 10:50 in Filipino

Roujette wrote:
angmensahero wrote:
Roujette wrote: Butuan City po sir :)

Kumusta na ang Butuan, ma'am. Binabaha pa rin ba yung Montilla Blvd kapag malakas ang ulan? Isang oras mula dyan yung hometown ko. At palagi ako nakakapunta dyan nun kasi yung 2 kaibigan ko dyan sa SJIT nag-aral. :)

Okay lang ang butuan sir...meko may progress na, meron na kaming Robinsons Mall. hahaha
Pero problema parin ang baha buong city...I mean, meron bang city na hindi problema ang baha? hihihi :lol:


Ganun ba, ma'am? Eh sa susunod baka magka-SM at Rustan's na rin kayo. :) ang tagal ko nang di nakabalik d'yan at sa hometown ko.

Yung patungkol sa baha, tama ka! Mukhang ganun na yata ang normal na estado ng maraming lungsod sa Pilipinas tuwing umuulan at bumabagyo. Yung Malabon nga, eh nako parang malaking fishpond. :lol:

SeanSeth wrote: MINDANAO DINako.CDO


Ang dami palang Mindanaoan dito. Maliban sa Cebu at Dumaguete, yung CDO kabisado ko rin pre kasi dyan ako nag-aral sa XU sa una kong kurso at may bahay kami d'yan sa Kauswagan (katabi lang ng Bulua ma'am Roujette). Eh mas gusto ko nga ang buhay CDO kasi medyo mas kalmado, mas mura ngunit hindi naman nalalayo sa Maynila yung kaunlaran. Sa tingin ko, uusbong at mas lalong lalago yung syudad at buong Hilagang MIndanao dahil sentro yung rehiyon sa mga negosyo at kalakal. Yun nga lang unti-unti na ring sumisikip yung trapiko sa maraming kalye parang mala-EDSA na rin sa dami ng sasakyan. Pahirapan nga sa parking minsan lalo na sa XU at Divisoria area.

Daming Task » Post #13

Tue Apr 07, 2015 18:00 in Filipino

Maraming trabaho. Madali lang tapusin. Yung "Enter the hours..." mga bagong websites at walang hiya...pati mga pang adults entertainment sinali pa.. mclloyd, oberder at mga barako dito ano masasabi n'yo! :lol: :lol: .

Naloko na ung Crowdflower » Post #28

Tue Apr 07, 2015 17:03 in Filipino

maryabarya wrote: Simula nung kinailangan na maglog-in with FB Ang laging lumalabas kapag nagclick ako ng task e "You dont have permission to work on this job." Hanggang ngayon di pa ako makagawa ng tasks.

Tsaka nung pumunta ako sa dashboard ko wala na ung mga stats ko, wala na yung mga completed tasks ko. At pati yung level ko wala na din, dati level 3 ako ngayon back to zero.
:(

Ako lang ba ang naganun? Nakakalungkot :(


Ang nangyari n'yan hindi naikabit yung dati mong CF account sa FB login mo. Magpadala ka na lang ng ticket sa CF tungkol sa problema mo para mabigyan ng karampatang lunas..

Deduction on payment » Post #13

Tue Apr 07, 2015 16:42 in Filipino

Roujette wrote: Butuan City po sir :)

Kumusta na ang Butuan, ma'am. Binabaha pa rin ba yung Montilla Blvd kapag malakas ang ulan? Isang oras mula dyan yung hometown ko. At palagi ako nakakapunta dyan nun kasi yung 2 kaibigan ko dyan sa SJIT nag-aral. :)

Naloko na ung Crowdflower » Post #26

Tue Apr 07, 2015 14:25 in Filipino

mclloyd86 wrote: Ewan. Nakausap ko na sa registrar. Okay na daw. Wahhhh nakakatamad naman magtask. Walang maayos na tasks.


Eh okay na pala! Mag-relax ka miuna at lasapin mo ang tagumpay. May ilang dekada namang naghihintay sa'yo magbalat ng buto. Alang katapusang paulet-ulet na gawaiin. Gising, kain, trabaho, kain, trabaho, kain, tulog! 'Yan ang kasunod sa ating pagtatapos! Mukhang nakakatamad ano? :lol:

Question about paypal » Post #2

Tue Apr 07, 2015 04:24 in Filipino

thehycut wrote: Mga sir and ma'am...pwede po ba mag-share ng isang paypal account for different Clixsense accounts?

Like may friend ako na walang paypal, pwede nya ba gamitn ung sakin? Salamat sa mga sagot :)

Hindi pwede pre at bawal talaga na gamitin yung paypal mo sa ibang clixsense account - General Info

Naloko na ung Crowdflower » Post #10

Mon Apr 06, 2015 21:30 in Filipino

Roujette wrote: Na fix agad nila mga sir...pero bandang 8:00-8:30 bumaha ung mga pending tasks kasi ung mga taskers hindi nkpag-login sa crowdflower nila through facebook..basta may error chorva..pero okay na :)

Ah ok ma'am! Mga 8 na kasi ako nag-login kaya baka naayos na lahat pagpasok ko. Pero tulad pa rin ng dati puro na laos palagi yung lumalabas na gawain... Panay "You've completed... blah...blah..." "You can only access... blah blah". .. "There is no work... blah blah"... etc.

Naloko na ung Crowdflower » Post #8

Mon Apr 06, 2015 20:21 in Filipino

Wala akong naranasang sablay sa walang katuturang pagbabagong ginawa ng CF. Pero nagkaka-ideya tuloy ako... CF + FB = CB! ;)

Gawa kaya ako ng proyekto na hango sa konsepto ng FB, ngunit nakabalangkas naman sa modelo ng negosyo ng CF. Halina at mag-Crowdbooking tayo! Pwede! :$ :lol:

Sino ang taga Manila dito? » Post #21

Mon Apr 06, 2015 19:08 in Filipino

mint25 wrote: San ang kainan?

Oo nga, san? Sali ako d'yan, syempre! Ako ang sagot sa inumin! Malamig... malinaw... walang amoy! :lol:

oberder wrote: Pasensya, bawal ako lumabas -- baka magalit si Kumander :oops:

Hahaha...san ka ba nakadetene? Ok pa yata yung nasa city-jail at munti... palaging nakakalabas kung saan-saan. Tanungin mo si dating Gov. Leviste at si Amin Buratong! :lol:

Saludo ako sa kumander mo! Ang galing! :clap: Kaya pala panay tingin ka na lang sa "oberder"! :arrow: :mrgreen:

Finally, my first task bonus! » Post #8

Thu Apr 02, 2015 18:47 in Filipino

Congrats! Another milestone crossed, I'm sure you're going to have more! :thumbup:

Question about cashout » Post #4

Thu Apr 02, 2015 04:28 in Filipino

Roujette wrote:
angmensahero wrote:

I usually submit cashouts on Mondays, between 5am to 12PM, depending on my free time. By the time I check my PP on Tuesday morning, the money is there already and ready for transfer to my EON account. By Thursday evening, the usual time I check my EON via Union Bank's online facility, the transfer is already completed. The money's there and sort of winking and saying... I'm all yours now and tomorrow's Friday! :lol:

Hahaha...thank you very much sir. And you'll be like T.G.I.F!! :lol:

Tumpak! :thumbup:

Ano din pala, hindi ako naglilipat ng pera kapag may mga piyesta opisyal dun sa Amerika at saka dito sa Pinas. Magugulo kasi yung takbo ng transaksyon at hindi na natin makukuha sa loob ng limang araw yung pera.

Syangna pala, ma'am! San ba lakad natin? Mukhang may pinaplano kana yata sa pinagpaguran mo dito. Ang init pa naman ng panahon. Eh baka gusto mo ng malamig na Sprite! :lol:

Question about cashout » Post #2

Thu Apr 02, 2015 02:44 in Filipino

Roujette wrote: Mga idol, ano po ba ung best practice nyo when it comes to cashout. I mean, anong oras mas maganda mag-cashout para mas mabilis ung pag process.

Thanks! :)

I usually submit cashouts on Mondays, between 5am to 12PM, depending on my free time. By the time I check my PP on Tuesday morning, the money is there already and ready for transfer to my EON account. By Thursday evening, the usual time I check my EON via Union Bank's online facility, the transfer is already completed. The money's there and sort of winking and saying... I'm all yours now and tomorrow's Friday! :lol:

Daming Task » Post #2

Tue Mar 31, 2015 17:53 in Filipino

mclloyd86 wrote: ngayon lang ulet na expelled dalawang 63% at isang 75% Madaya kasi puro wala naman results ang website na hinahanap. Pang apat 84% wahhh e first page pa lang natapos ko na expelled agad agad hahaha

Grabe daming task simula kanina madaling araw dami ko ginive up.


:mrgreen:

Ang dami nga! :$ Kaya lang medyo kapos sa oras at oportunidad ang mama ngayon. Medyo busy na! Ok lang tinira ko naman kanina yung mga $0.14 at mga RF. Sana mamayang hapon o gabi meron pa!

Ang Mahal ng BPI » Post #3

Tue Mar 31, 2015 17:47 in Filipino

clickcashonline wrote: From Clixsense >> Paypal >> BPI Account

Ang taas po ng kaltas ng BPI, may iba pa bang bank account na mura?

Any Advice po kung ano banko mas maliit ang kaltas?

Tumitingin ako sana sa Union Bank, pero ano magandang bank na maliit na kaltas for withdrawal?

Php50 lang kaltas sa Union Bank kapag mas mababa sa 7k yung ililipat at papalitan mong dolyar mula sa PP mo. Kung mahigit sa 7k naman, na malimit kong ginagawa, libre na. May Php350 lang na renewal kada taon sa EON mo. Oks lang kasi wala namang kinakailangnang minimentenang balanse. :)

Internet Connection » Post #10

Tue Mar 31, 2015 09:35 in Filipino

Roujette wrote: Sumakit utak ko sa lalim ng wika ni sir mensahero. :lol:

Hahaha..wala yan ma'am Roujette! Yung dati kong mga kasamahan nun mas matindi ang mga yun. Dati rati kasi, isinasalin namin sa Tagalog yung mga polemiko at iba pang mga komposisyon, literatura at sari-saring banyagang babasahin mula sa wikang Ingles. Ako pinakamabagal sa kanila kung tutuusin. Kaya... baka sa mabagal na trapiko at init laang ng panahon mo lang nakuha yung sakit na yung naramdaman! :P :lol:

Ang bilis mo pala! Tingnan mo! Naka-isang libo kanang gawain at nasa pangatlong antas na rin yung tsapa mo. Ngunit, kung tutuusin, nasa humigit-kumulang isang buwan ka pa lang sa Clixsense. Hanep! Yan ang kagalingan ng Pinoy! Dapat tularan at ipagmalaki! Congrats! :thumbup:

mclloyd, punta ka sa Dangwa. Bumili ka ng bulaklak. Haranahin mo na! "O, ilaw, sa gabing malamig..." :lol:

Hahaha... halatang naubusan na ng trabaho ang mama at wala ng ibang magawa! :mrgreen:

Internet Connection » Post #7

Tue Mar 31, 2015 03:31 in Filipino

mclloyd86 wrote:
angmensahero wrote:

Nagpabasa ka na ba ng pasyon, igan? Malay mo maambunan ka ng karagdagang grasa...este grasya pala! :lol:

Kumusta? Medyo na busy ang mama kaya patingin-tingin at papitiks-pitiks lang ako dito. I-rerenew ko sana yung premium ko pero yung napakatagal ko nang Kanong sponsor/upline ay di na aktibo. Eh sayang naman yung hati-an sana ng komisyon... Tumira nga muna sa kabila! :lol:

sakin ka na lang kuya hahahaha eto gagraduate na po hehehe


Pwede! ;)

Sa totoo lang, may mga alok na ako ng hatian o mga kaaya-ayang pabor na natanggap sa iba at meron din akong tinitingnan. Ang kwestyon lang talaga eh kung papayagan ba talaga ng tagapamahala ng Clixsense na palitan yung sponsor kong di na aktibo. Sa aking pagkakaalam, nasa diskresyon o mabuting pagpapasiya ito ng pamunuan kung talagang suspendido o sarado/di na aktibo na yung sponsor natin. Sa madaling sabi, nasa trip lang nila... lasingin ko kaya? :lol:

Quote:

Di ako masyado relihiyoso. Sakto lang hehehe


Ako rin! Di nga sakto! Di ko pa kasi naitayo yung munti kung simabahan... :lol:

Quote:

Natapos din mag asikaso ng requirements.

:mrgreen:

Yan ang dapat tularan! :thumbup:

Congrats pala at harinaway papalarin ka rin sa paghahanap ng mapapasukan, sa board exam at sa pagiging Inhinyero! :)

Internet Connection » Post #5

Tue Mar 31, 2015 01:36 in Filipino

mclloyd86 wrote: Nakakabaliw ang connection wala pa ako masyado nagagawa
mclloyd86 wrote:
SeanSeth wrote: baka may technical problem ang PLDT MyDSL dyan sa area nyo. Call mo customer service nyo..

medyo okay na now

Nagpabasa ka na ba ng pasyon, igan? Malay mo maambunan ka ng karagdagang grasa...este grasya pala! :lol:

Kumusta? Medyo na busy ang mama kaya patingin-tingin at papitiks-pitiks lang ako dito. I-rerenew ko sana yung premium ko pero yung napakatagal ko nang Kanong sponsor/upline ay di na aktibo. Eh sayang naman yung hati-an sana ng komisyon... Tumira nga muna sa kabila! :lol:
From: Go
Return to the forums index
All times displayed are PST - Server Time: Dec 8, 2023 17:07:54 PST