Yung tagumpay natin dito ay nakasalalay sa kung paano natin pahalagahan at pagbutihan yung mga gawaing ating ginagawa. Medyo kailangan lang talaga natin ng mahabang pasensya at tiyaga. Kailangan din ng kunting swerte kasi yung mga CF task eh ay hindi naman pareho ang dami kada oras, araw o linggo. Minsan siniswerte tayo ng maramihang buhos. Minsan naman para kang nakababad sa disyerto. Kung medyo may mas marami kang libreng oras para pagtiyagaang tirahin ang lahat na pwedenbg pagkakitaan dito, eh malamang mas kikita ka ng maganda. Yung kita natin sa CF task ay nakadepende sa kung anong dami yung task na lumalabas at gaano kamahal o kababa yung bayad.
Sa akin, pangdagdag kita lang talaga yung nakuhuha ko dito kasi hindi naman ako pwede nakababad buong araw kahit na yung isang computer ko ay palaging nakatutok sa Clixsense, CF at iba pang pwedeng pagkakatiaan sites online.. Halos 24/7 nga yun naka-login sa CF.
Mahigit-kumulang $150 kada buwan yung kita ko dito nung isang taon. Pero nasabukan kung kumita ng halos $500 sa isang buwan nung pinaglalanan ko ng mahabang oras kada gabi yung mga gawain sa CF na medyo mahal ang bayad --
Talaan. Kaya talagang pwede kang kumita ng malaki kung titira ka ng titira at swertehin ka namanng makakuha ng gawaing medyo mahal ang bayad.
Ang pinaka-mahal na mga gawain na nagawa ko sa CF ay may bayad na $1 hanggang mahigit-kumulang $13:
Kung titingnan n'yo halos lahat na mga trabahong tinitira ko sa nakaraang taon sa imahe na yan ay mataas yung bayad. Medyo yun lang kasi ang mga pinipili ko palagi nun. Medyo namimili ako ng trabaho at yung ibang trabaho ay targeted lang talaga sa iilang tao at medyo siniwerte na kasama ako dun. Paminsan-minsan nakakatanggap pa rin ako ng mga espesyal na gawain pero sa CF Elite ko na ginagawa kasi walang kaltas dun sa kita.
Kaya pagbutihin no lang yung ginagawa mo pre. Pasensya, tiyaga at pagalingan lang talaga yung puhunan natin dito. Yung net ko naman matagal na kaming nakakabit online mula pa nung 2000. (Lolo, kumusta ka na?)

Parang kabahagi ng buhay namin yung internet kasi nasa IT field din yung trabaho ko. Kaya wala na sa kwenta at isip ko yung buwanan sa PLDT.
Harinawa'y kikita ka at iba pa nating kababayan ng malaki sa darating na mga araw!
