Please wait...
HomeForumPosts by wildcards

Jump to
Members LoungeYour StatsSuccess StoriesPayment ProofsMember IntroductionGeneral TalkForo en EspañolCharla GeneralSoporte General y PagosInternationalPortugueseItalianFrenchGermanNederlandsGreekHindiUrduBengaliFilipinoIndonesianMalayArabicRomanianTurkishRussianBulgarianHungarianPolishEx-Yugoslavia
Posts by wildcards

Edit profile settings » Post #2

Mon Aug 13, 2018 21:38 in Filipino

Walang problema sa akin pre! Ang naka-kandado lang sa akin ay yung Location, Gender at Bday.

Payza to coins.ph » Post #6

Tue Sep 05, 2017 22:34 in Filipino

Ang pinaka-siguradong tatanggapin nila na ID ay yung Passport. Pwde rin yung Driver's License kasi internationally recognized yun. Yun kung mero ka na nun at hindi yung papel na palagi ibinibigay ng LTO kasi wala pa daw yung plastik. :lol:

Yung terminong "national ID" na sinasabi nila pala ay tumutukoy sa mga national ID system na kahilintulad ng ibang bansa. Sa atin, wala pa tayo nun, Andun pa yata sa kongreso yung batas para dun...

Survey Screened Out » Post #3

Tue Aug 29, 2017 07:37 in Filipino

May karanasan din akong ganyan kalimitan yung mula sa Samplicio. Pero ngayon kakatapos ko lang sa isang $2 survey at kahit medyo mahaba ok naman sa akin ang topic...

Purespectrum Survey » Post #1

Fri Aug 25, 2017 12:56 in Filipino

Unang beses kong nakita itong survey firm na to. Sana maging regular at maiksi palagi yung survey nila. Mukhang wala pa ngang 10 mins $0.98 kaagad! :thumbup:

Payza to coins.ph » Post #2

Sun Aug 20, 2017 10:47 in Filipino

jingkobe wrote: Ano yung "be verified in order to do conversions to btc" hindi ko sya matransfer pera ko sa payza to coins.ph :cry: :cry:

Dapat yung account mo berepikado. Yung sa akin, noong AP pa ang pangalan ng Payza, credit card lang ginamit ko. Parang katulad lang ng Paypal. Ngayon, tingnan mo lang ito: Gettng Verified

Cashout sa Payza » Post #4

Sat Aug 19, 2017 11:49 in Filipino

shie30 wrote: Merun na po ba nakasubok magcash out from Payza to Coins.ph?

Ako... nung bumaba hanggang mahigit $900 lang yung palitan ng BTC sa USD. Ang huling paglipat ko pala ng kita mula dito gamit ang Payza ay yung naging mahigit $1700 yung palitan ng BTC to USD. Ngayon, ang taas ng palitan kaya medyo laylo muna ako sa pagamit ng Payza para sa pag-iipon ko ng BTC. Nandito yung komento ko patungkol sa usaping "Payza to Coins.ph" - Most viable...

walng survey alang kita.... » Post #27

Sat Aug 19, 2017 11:14 in Filipino

jbear wrote: Kailangan kc yata naka premium k pra, maging madame ang task na ibibigay sau everyday
tama ba anyone?

Wala ng Premium dito, jbear! Patas na lahat. Sa mga tulad natin na medyo salat sa survey, yung Task lang talaga ang panglaban. Basta gagalingan n'yo lang ang trabaho, malaki ang kikitain nyo dun.

walng survey alang kita.... » Post #26

Sat Aug 19, 2017 11:09 in Filipino

rguitan wrote: May iba pa bang ganito wildcards? share naman jan??? :)

Kung ibig mo sabihin katulad ng Clixsense, meron at meron talaga. Meron ngang hari ang bansag na isa d;yan. LOL Kung magkahalintulad naman ng CF, meron din. Bawal lang ibahagi ang mga ganyang oportunidad dito sa forum.

walng survey alang kita.... » Post #18

Wed Aug 09, 2017 20:10 in Filipino

rguitan wrote: chambahan ang survey

Parang ganun na nga kasi may mga rekisitos din silang ipinatutupad. Kapag hindi tumpak yung mga ibinigay nating detalye dun, mauuwi talaga sa wala ang kagustuhan nating kumita. Ganun talaga ang mga survey! Buti na lang may CF tasks kasi kung wala tabla lahat ang mga tulad nating wala masyadong survey na nakukuha...

Ganun pa man. Bumibira na ako ng todo sa ibang raket ko online kasi muntik na mawala yung CF account ko dahil sa pagkakamali ng sistema ng CF. Eh na-deactivate yung account ko ng bigla nung nakaraang buwan at sabi ng Community Support sistema nila yung otomatikong gumawa nito kasi daw may kahinahinalang aktibad na napansin dun sa isa pang channel na ginagamit ko sa tasking. Ang problema lang ni isang task wala akong nagawa at nabayaran sa buwang yun sa channel na yun. Kaya sabi ko false-positive yata yun at ayon ibinalik naman nila account ko at humihingi ng paumanhin sa tinatawag nolang "mix up".

Pero may problema pa rin ako kasi naapektuhan yung RF account ko, Hindi na ito gumagana dahil dun sa pansamantalang pagka-deactivatee ng CF account ko. Hindi pa sumasagot yung Support Desk ng RF para makakuha naman ako ulti ng mga RF HITs. Sayang naman eh mas maganda ang kita ko dun kaysa sa mga ordinaryong CF tasks.

Kaya ang aral na napulot ko sa mga pangyayaring yun ay dapat talagang marami tayong ibang raket na pangpalet anumang oras, Tumira nga ako ng husto sa ibang sites/company na kahalintulad din ng CF ng mangyayari yung aberya. Kaya ayon nagagamit ko pa rin ng husto yung Paypal ko kasi sa ibang raket ko dun sila nagbabayad. Kaya mga kabayan kung may ekstrang time pa kayo subukan n'yo ring rumaket sa iba. Sayang din ang oras n'yo kung walang survey dito at wala ka namang task na tinitira...

My name is Lee Ann » Post #3

Sun Aug 06, 2017 07:32 in Member Introduction

Hello and welcome to CS, Lee Ann!

walng survey alang kita.... » Post #6

Tue Aug 01, 2017 03:57 in Filipino

briangandalla wrote: Matumal nga,walang survey,nka chamba lang ako kahapon dalawang malilit,
kaso nag tataka lang ako,bakit kahit walang surveys,bakit kaya may pumapasok na 0.12 or minsan 0.16 sa account ko,eh wala ng ads and wala rin ako nagawa kc yung lang nman means para mka earn like offer/surveys
di ako sure kung yan ba yung tinatawag nilang "spillover" sa sponsor ko

Galing yun sa ref commission mo sa mga refs mo. May 3 referrals ka di ba? Tingnan mo dun sa "Affiliates" tab mo.

Surveys still a waste of time for me » Post #7

Sun Jul 30, 2017 16:11 in General Talk

Unlike 1st tier countries, we don't get a lot of surveys. But even then I still managed to get 287 of them for a total of $223.13. Been doing it since 2012 only whenever they show up and I get qualified to complete them. As for tasking, I completed over 21k of them here for $2,027.22 and some more in CF Elite and Neo. I also started doing it here in 2012 but only took them seriously and concentrated on them way back on the last few days of Dec, 2013. I think you can always try and try when you have some idle time to spare. That's what I did. And I'm sure if you put in a little patience and focus, you can build on a little until it becomes effortless for you.

Removal of ClixAd and Clixgrid » Post #160

Fri Jul 28, 2017 23:05 in General Talk

mamerala wrote: as many said. i used to count on ptc
of course surveys give a lot, but some countries like here dont get any or most of surveys that come dont work or i cant do them.
so all we can do sit months waiting for any real surveys to come or leave.

also i have been getting paid with paypal only, i dont wish to start on different sites as it will be problem moving money from site to site and may require asking middle person which is a risk.

so even if i worked hard to get affiliate there's no way to cash out.

so i guess as many i will leave, im glad i cashed out as soon as i earned enough


mamerala, try to focus a bit on tasking. It's frustrating at the beginning, but eventually you will get used to it. And I think admin Jim will try to find new ways for us to earn...

Something else is preventing you from reaching... » Post #5

Fri Jul 28, 2017 02:28 in Filipino

melonamoy wrote:
Celestial_Maiden_08 wrote: babalik pa yan sa level 1 uli ganyan dn sa akin

Sana nga po, pano kaya?

wildcards wrote: Kung wala kang nakuhang mga "flags", ang susunod na dahilan sa pagkawala ng isang badge o antas ay ang palaging pagkatalsik natin sa mga trabaho. Andito yung mga karagdagang paliwanag d'yan - Lost a Level Recently?

Ganun po ba? maibabalik ko pa po ba yung level 1 badge ko? pano po kaya? thanks

Oo naman! Tira ka lang ng tira ng mga Level 0 na task ngayon at subukan mo pataasin yung Accuracy Rate mo. Subukan mo rin mag-submit ng ticket sa Community Support ng CF patungkol sa problema mo....

Something else is preventing you from reaching... » Post #3

Thu Jul 27, 2017 23:31 in Filipino

Kung wala kang nakuhang mga "flags", ang susunod na dahilan sa pagkawala ng isang badge o antas ay ang palaging pagkatalsik natin sa mga trabaho. Andito yung mga karagdagang paliwanag d'yan - Lost a Level Recently?

What music/song are you listening now? » Post #2408

Thu Jul 27, 2017 23:06 in General Talk

SKRILL to GCASH cashout Info » Post #62

Wed Jul 26, 2017 04:18 in Filipino

sisangbaliw wrote: guys okay lng ba na hnd verify skrill kung hnd naman aabot s 100dollar ang ica cash out s loob ng 1 buwan?

Mas mabuti i-verify mo yung Skrill mo para wala ka ng iisipin pa kasi sa Terms & Conditions nila ang sabi ay:

Quote:3.5. You have the right to withdraw funds from your Skrill Account at any time. However, you may be required to confirm your identity beforehand. There is no minimum withdrawal amount but the funds on your Skrill Account must be sufficient to cover any applicable withdrawal fee. You can choose the method of withdrawal when submitting your withdrawal request.

-- Source: Skrill Terms & Conditions

Ayos si Payoneer, totoo pala $25. » Post #33

Wed Jul 26, 2017 04:01 in Filipino

sisangbaliw wrote:
wildcards wrote:
sisangbaliw wrote: paano po mag cash out sa payoneer?

Madali lang! Tingnan mo sa itaas, sa may kanang bahagi kung saan makikita mo yung avatar mo. Pindutin mo ang "Profile and Settings" at pagkatapos pindutin mo yung "Payments", Dun piliin mo ang "Payoneer" at sundin mo lang yung direksyon na lalabas... dapat meron ka ng aprubadong Payoneer account para diretso ka na sa pag-cashout matapos mo palitan yung cashout option mo.

sir magkano pwede i withdraw sa payoneer papunta s bank?

Payoneer papunta sa bangko mo ay dapat hindi baba sa $50.

Maidagdag ko lang. Dito sa CS, ang sabi ni admin Jim, $10 na lang daw yung pinakamababa na cashout - Payoneer Cashouts. Dati kasi $20. Pero ang masasabi ko malulugi ka kapag magwithdraw ka ng pakunti-kunti kasi yung fee ay nakapako sa $2. Eh kung $10 lang ang cashout, $8 na lang papasok sa Payoneer mo. Kaya kung ako tatanungin mas mabuti gamitin lang ang Payoneer pang-cashout kung may $100 ka pataas sa balanse mo.

Ayos si Payoneer, totoo pala $25. » Post #31

Wed Jul 26, 2017 01:12 in Filipino

sisangbaliw wrote: paano po mag cash out sa payoneer?

Madali lang! Tingnan mo sa itaas, sa may kanang bahagi kung saan makikita mo yung avatar mo. Pindutin mo ang "Profile and Settings" at pagkatapos pindutin mo yung "Payments", Dun piliin mo ang "Payoneer" at sundin mo lang yung direksyon na lalabas... dapat meron ka ng aprubadong Payoneer account para diretso ka na sa pag-cashout matapos mo palitan yung cashout option mo.

Payoneer cashout » Post #5

Wed Jul 26, 2017 00:44 in Filipino

sisangbaliw wrote: sir may minimum withdrawal ba s payoneer para ma transfer sa bank account?

Oo, $50 yung minimum...
From: Go
Return to the forums index
All times displayed are EST - Server Time: Sep 20, 2019 09:56:17 EST